Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on Feb 3, 2014 in Contributing Writers | 0 comments

TwenTeen: Twenty Years of God’s Grace

“Grace, what have you done?”

Nakatutuwa. Tapos na ko sa line of 1. Today, officially nasa line of 2’s na ako. Twenty. Bente. Dalawampu. I’m asking God of what’s new for this new season. And because of that, I just decided to write a note. It’s better to share to you my testimony. My life testimony. Maybe you have known me in the longest time, o baka ngayon, estudyante kita, o baka aquaintances, o baka hanggang facebook lang tayo magkakilala. One thing is for sure, this note is dedicated for you. This is me. Twenty years of God’s grace. My life- given by God, used for God, for God’s glory.

My life started February 3, 1994 – Fabella Hospital. Trivia: Hindi naman dapat ako February baby. December baby dapat ako. So in reality, I am two months overdue. I don’t know why sa nanay ko – but I thank God kasi maybe its a quick reminder saying you are meant to LOVE.

My dad and mom’s relationship worked well – on the first year. If you will know my family background – well, I am never ashamed of it – I am the only child of my dad, and the fourth of my mom. 

However, dahil sa mga problemang pinansyal (pag nakita ko talaga tong si “Pinansyal,” gegerahin ko to) kailangang umalis ng mommy ko – maghanap ng trabaho, at ako- naiwan sa piling ng daddy ko. There comes days, months, years. Hindi na bumalik ang mommy ko. I had no idea of her in my growing years.

Grace lang ni God na my Lolo Mencio is a very devout at fervent Christian at that time. Ang kwento nga sa akin ng aking mga churchmates ngayon – kahit baha sinusuong nun tsaka sisigaw ng malakas na “Praise the Lord” pagdating sa church – which was then known Harvesters for Christ. I was born, raised and grown up in a church setting. Laking Sunday School. Laking DVBS. Laking simbahan. Laking Church of Grace (it is its name when I’m growing up).

Not boasting, but in fairness, na-hook na ko sa Christianity thing. I love going to church twing Sundays kahit bata ako. Pangarap ko nun ay mag-operate ng OHP Projector – yung may acetate. Gumagawa pa ko ng laruan ko nun noong bata pa. Hangang hanga kasi ako kasi napapalaki nila yung letters at kinakanta namin ito. Naaalala ko pa ang favorite ko nun yung offering song na “Give and it will come back to you.”

With my Tatay Mencio and Nanay Nene, namulat ako sa Christianity. I knew that its necessary for me to go to church every Sunday, listen to pastor’s sermon, sing songs and makipaglaro! Kalaro ko pa noon sina Jairo, Pau Vecida (alam ko kalaro na kita nun!), Paolo at iba pa. (Batchmates). Ang teacher ko sa Sunday School si Ate Rosana. Ang teacher ko sa DVBS si Kuya Felix. Alaga pa ko noon ni Ate Nikka. (Di ko alam na ang magkakatuluyan pala si Kuya Felix at Ate Nikka). HAHAHA XD

Then afterwards, my tatay died. Depression. Hindi na kumain. Nag-intindi. Bumagsak ang katawan niya. Sa mura kong isip noon – I can’t understand why he did that. Bakit siya nadepress sa buhay? Kung sino pang palagi kong kasama. I still continued going to church kahit mag-isa na ako. Attending and attending. Ang nag-aalaga na sa akin sa church noon si Mommy Cora.

Then another thing happened again – a church split. For me, hindi ko inintindi yun. Di ko maintindihan. Kumonti ang mga tao. Dati full packed na ang church namin – tapos sa bata kong edad, may nakita na akong parang akala ko nag-aaway sa pulpito. Ewan ko. Pero, para sa akin, sa Church of Grace pa rin ako. Naging loyal na ako dito. Lingguhang gawain ko na to. So lumaki at lumaki at lumaki ako sa Church of Grace- hanggang malipat ito sa lugar namin ngayon – sa garahe. 

Fast forward. Graduation ng Elementary. Nakasungkit pa ng sixth honorable mention. Praise God. Ito na ang High School. Nakapasok ako sa Special Science Class ng Navotas National High School- kaya lang ang problema – hirap na kami noon. Walang trabaho ang daddy ko. Walang naghahanap-buhay. Paano kaya ito?

Dumating sa punto na naiiyak na ako kasi yung tipong isang araw na lang bago magpasukan, wala pa ako miski isang notebook. Dumating sa puntong ganoon. Ngunit, sa biyaya at habag ng Panginoon – napakaraming tumutulong sa akin hanggang makagraduate ako ng High School. Dumating pa sa puntong nagkaroon ng Adopt a Student Program sa NNHS at isa ako sa naging beneficiary. Grateful ako kay Miss Opina noon to introduce me to that, kina Mam Jocson, Mam Sueno at Mam Salaysay na nagspearhead noon.

Ngunit kahit ganon man ang biyayang ibinibigay ng Panginoon sa akin, may instances na nagsisinungaling pa rin ako tungkol sa scholarship na iyon. Mula nang nakahawak ako ng pera, sabay na nalulong din ako sa Computer Games at sa mga websites na hindi naman dapat binibisita ng kabataang tulad ko. Nagsisinungaling ako sa lola ko na nakuha ko na ang pera. Pati sa school, nagsisinungaling ako. Niloloko ko ang lola ko. Isinasangkalan ko ang pangalan ng eskwelahan. At maloko talaga ko sa ulo noong High School. Nag-bansag ako ng mga teachers. Binigyan silang lahat ng tag-names. Minsan gumagawa pa ako ng kwento. Ganoon ka-sira ang buhay ko noon. Pero, nasa church ako noon. Every Sunday. Fervent.

Nang natungtong ako ng Third Year High School, napasok ako sa Music Ministry. At nagawa ko na ang pangarap ko – tagapag-ayos ng OHP.  Masayang masaya ako. Feeling ko importante na ako sa church. Tipong di matutuloy ang service ng wala ako. Pride ang namutawi sa aking isipan. Ministry ako pag Sabado at Linggo, ngunit di maintindihan ang ugali ko kapag weekdays.

Fast forward. Nakagraduate ng High School. GRACE NI GOD.

Now, sa kolehiyo. Isang college lang ang pinag-examan ko. PNU. Pangarap ko talaga noong una pa lang – bata pa lang ako na maging isang guro. And because of that, I took the exam in PNU seriously, and passed it. Naipasa ko rin ang interview.

Ang tanong, saan naman kami kukuha ng pangtuition? Saang sulok ng langit naman namin matatagpuan yan?

Ang sagot: GRACE NI GOD.

Mula noong Day 1 ko sa College hanggang ngayon (as of this typing), I credit everything to God. Grasya lamang ng Panginoon ito. Kung bakit lagi akong may pangtuition. Kung bakit ako nakakaraos. Gumagamit siya ng mga tao – most especially those that you least expect. Nagpapasalamat ako kay Ma’am Sanchez sa patuloy na pagtulong sa akin- until now.

Ngunit matapos nito, ano nang meron? Patuloy sa Ministry. Na-promote na. Nag-back up. Nag-song lead. Ngunit minsan, parang kulang. Parang may something sa puso ko.

Si Kristo. Hindi pa pala talaga siya nakaupo sa trono ng buhay ko.

Mula nang nagkolehiyo ako, lalo akong napalapit sa Panginoon. At nalaman ko na ang essence ng Christianity – it is Him, not me. It is Him sitting in my heart, not me sitting on my throne. At napaghabi habi ko lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko – na ito pala – greatly orchestrated by the great Orchestrator. Na ito ay dahil lamang sa nag-uumapaw na grasya ng Panginoon sa buhay ko.

Nagpapasalamat ako sa Ananaias ng buhay ko – Rhowell Tiozon, na lalong nagpakilala sa akin kung sino Siya sa buhay ko. Na may hindi pa pala ako nalalaman. Nagpapasalamat din ako kina Kuya Jeff at Kuya Jasper sa church namin. Kina Kuya Edgar, Kuya Paul at Kuya Felix para sa kanilang walang sawang paggabay kahit makulit ako. Kay Pastor Pete sa mga walang tigil kong tanong at minsanang diskusyon. Kina Kuya Nikko. Sa mga taong nakapaligid sa akin.

Ang dalawampung taon ng buhay ko ngayon sa mundong ibabaw ay alay ko sa Panginoon – ang lahat naman ng ito ay dahil lamang sa biyaya ng Panginoon. Wala akong ginawa. Siya ang nagtakda.

Ngayon, nagpapasalamat din ako kay Pastor Ronald. Grabe. Ito talaga yung grace na. Bonus bonus bonus grace. Yung author ng librong Lovestruck na nagmulat sayo sa realidad ng mga relasyon, kasama mo na ngayon sa Ministry? BOOM! Pastor, maraming salamat din po sa pagiging bahagi ng aking buhay. Sa aking mga quick questions at sa paggabay. Ang dami ko na pong natutunan sa inyo.

Ngayon, as I turn twenty this year, God is just expanding more my territories, not for my glory but for His. Ngayong taon lamang ay nahalal ako na Chairman ng Music Ministry ng aming simbahan. Ngayong taon din ay nainvolve ako sa Lovestruck Convergence- to the thing that I love – social media. Hinahasa nito yung leadership capabilities ko at ang pinakamatindi – pasensya! Ngayon din ay kabilang ako sa Lovestruck Camp – to the thing naman na puso ko – PRAISE AND WORSHIP! At isa pa, napunta ako sa off campus sa school na napalapit na sa akin- Caloocan High School. Sa mga mababait na estudyante (che, joke!) at sa mabait na cooperating teacher. Talaga namang ang buhay ko ay isang malaking answered prayer. Grace. Unending love. Amazing grace.

I thank God for your life. Sa lahat ng mga taong nakaimpluwensya sa akin, nakausap ko, kahalubilo. Kayo ang humuhubog sa buhay ko – bilang lalaki, bilang si Don King – a man after God’s own heart.

Sa Diyos ang lahat ng kapurihan! 

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *