Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on Apr 9, 2014 in Contributing Writers | 0 comments

The Mythical Friendzone

O, Friendzone! Mula nang pinauso ni Ramon Bautista ang terminong “Friendzone” sa Pilipinas e naging masyado nang liberal ang paggamit dito. At dahil madalas na ngang ginagamit ang term na ito, nag-evolve na rin ang ibig sabihin. Ayon sa Urban Dictionary.com

This is the worst position someone can be in, if they have feelings for someone. When a person develops romantic feelings for someone, but the other person only sees the relationship as just being friends. Because the two are around each other a lot, the one in love will harbor his/her feelings for the others. Only to become completely comsumed by this person by Tim Camper, Jr. November 16, 2006

In a world kung saan parang known fact na ang pagkakaroon ng Friendzone, I will dare to question its very existence. Why? Dahil hindi ako naniniwala sa Friendzone.

I think this concept was invented by people who can’t handle rejection. Oh, and people who built and invested in a friendship with an ulterior motive. Mas maganda yan pakinggan pag English. Sa Filipino, simple lang yan.

a. Mga nabasted at di maka-move on
b. Mga nakipagkaibigan ng may malisyosong motibo o pansariling hangarin

May dalawang dahilan kung bakit hindi ako pabor sa pagpapalaganap ng katuruan ng Friendzone.

1. Dahil binibigyan nito ng negatibong connotation ang salitang “Friend.” Bigla nalang ayaw ng mga tao ngayong maging kaibigan ng kapwa nila. Wala namang masama sa pagiging kaibigan ah. At kung panandaliang fling lang ang romantic relationship na kahahantungan ng pagtawid sa Friendzone, di hamak namang mas mabuti ang manatiling kaibigan ng taong pinahahalagahan mo.

Marami sa mga alam kong successful relationships (by successful, I mean those who have been married for years, even decades) ang nagsimula sa simpleng pagkakaibigan. Walang pressure na maging higit pa sa kaibigan kaya naging maayos at totoo ang pundasyon ng kanilang relationship.

2. Dahil binibigyan nito ng karapatan ang maraming masasamang-loob na manakit ng kapwa o kaya naman ay patuloy na saktan ang kanilang sarili. I may be betraying my own gender sa mga susunod kong sasabihin, pero I think it’s something everyone must hear/read. At kung tutuosin e mayroon rin namang mga babaeng nag-cclaim na na-Friendzone sila ng mga lalaki na pareho ang modus operandi kaya I think this is true for any gender or sexual preference.

Kung na-Friendzone ka o nang-Friendzone ka, isa ka lang sa mga taong ito:

Ang Uto-Uto (na-Friendzone). Ito yung tipong nagpapaalila na sa kanilang sinisinta kahit kaibigan lang ang tingin sa kanila. Sila rin yung mapakitaan lang ng kaunting kabaitan e naniniwala nang nakatakda sila para sa pinapangarap nilang maging syota. Kadalasan, hindi nagigising sa realidad ang mga Uto-Uto ng walang outside help. Kailangan pa nilang makatagpo ng brutally honest na kaibigan o kamag-anak para bumaba sa lupa ang isip. Yun o yung mabaon sila sa utang ka-lilibre sa kanilang “friend” lamang ang makakapagpahinto sa Uto-Uto.

Ang Paasa (nang-Friendzone). Ito yung babae (o sadly, lalaki) na alam na alam na mayroong interes sa kanila ang kanilang kaibigan. Pero sa pansariling dahilan e they lead the other person on. Inaambunan nila ng paminsan-minsang kabaitan, pambobola, at mga linya gaya ng “Alam mo, hindi ko alam kung paano na ako kung wala ka.” Kahit wala naman silang planong magkaroon ng romantic relationship sa kanilang pobreng kaibigan, hindi nila magawang pakawalan ito dahil nag-eenjoy sila sa pagkakaroon ng loyal fan.

Ang Inosente (nang-Friendzone). Sa panahon ngayon, bihira na ang ganito. Oo. Hindi lahat ng bumabanat ng, “Huh?! Hindi ko alam na may gusto ka sa akin!” ay nagsasabi ng totoo. Babae ako kaya I can say this with authority. Aaminin ko rin na may pagkakataon sa buhay ko na sinabi ko ito gayong may iba na akong na-vvibes sa aking Kuya-Kuyahan. Kaya, girls, wag na magmalinis. Pero by experience rin, nasabi ko rin ito ng walang pag-iimbot at buong katapatan dahil hindi inabot ng aking hinagap na may motibo pala yung kaibigan ko sa akin. Ang Inosente ang kadalasang nasasaktan pa kapag nalaman na hindi pala malinis ang pakikipagkaibigan sa kanila. Bakit masakit? Dahil you let your defenses down pag ang alam mo e magkaibigan lang kayo. Nagpapaakbay ka, nagpapaakap ka, tapos may malisya pala siya?! Eeeew!

Ang Oportunista (na-Friendzone). O, yaman din lamang na tapatan ang blog na ito, umamin na tayo. Hindi lahat ng “friendship” na pinapasok ng tao e sinisimulan ng may malinis na hangarin. May kokontra ba sa sasabihin kong may mga lalaki, at kahit babae, na nakikipagkaibigan bilang first step sa kanilang quest to make that person fall in love with him/her? Wala, di ba? Alam mo yan, girl! Ito yung tipo ng tao na sinisipat-sipat ang mga MP (May Potensyal) sa mundo nila at ina-assess kung saan may mas malaking probability na magkaroon sila ng ROI (Return of Investment). Tapos, yun ang kakaibiganin nila. Kadalasan ding ang mga taong ito ang galit na galit pag na-Friendzone. Bakit? E kasi, simula palang e kinwenta na nila yung pinanlibre at ininvest nilang pagod sa “friend” na minisyon nila. Kaya pag di umubra, napipikon. Magpapakabait kunwari, babaguhin ang sarili para lang magustuhan tapos pag di gumana, lalabas din ang totoong kulay.

May certain combinations yang apat na yan. Mayroong Friendzone relationship between the Uto-Uto & the Paasa, the Inosente & the Oportunista, the Inosente & the Uto-Uto, and the Oportunista & the Paasa. Pero bihira sa mga combinasyon na ito ang uubra. Iba-iba ang kwento, iba-iba ang dehado, pero sakitan parin ang kalalabasan nito. May Loser (L), winner (W), kontrabida (K), at bida (B) Isa-isahin natin.

PAIR #1. Ang Paasa (W;K) vs. Ang Uto-Uto (L;B). Sa pares na ito, dehado ang Uto-Uto. Bakit? Dahil walang-awa siyang paaasahin ng Paasa kahit wala namang patutunguhan ang effort niya. Mababaon lang siya sa utang pero wala namang utang-na-loob yung pinag-eeffortan niya.  Kaya ang payo ko kung ganito ang set-up ninyo:

Sa Paasa: Tubuan ka naman ng puso! What goes around comes around. Baka mamaya niyan ikaw naman ang malagay sa posisyon niyang pinapaasa mo. Just cut ties with him/her. Kung ayaw bumitaw, ikaw ang lumayo. Pasasalamatan ka rin niya pagdating ng panahon.

Sa Uto-Uto: Wag kang shushunga-shunga, kapatid. Wag mong hintaying maubos na ang self-worth mo bago mo isuko yang ilusyon mo. O, at wag ka ring lalayo at magdadrama tapos palingon-lingon naman sa pag-asang nalaman niya na ang worth mo. Lumayo ka pero gawin mo ito para sa iyong sarili at para sa mga taong tunay na nagmamahal sayo.

PAIR #2. Ang Inosente (D;B) vs. Ang Oportunista (D;K). D o Draw ang husga ko sa ganitong pairing dahil wala namang talagang panalo sa kanila. It may seem na nanalo ang Oportunista dahil naka-chancing siya, pero talo naman siya in the long run dahil malabo nang magkaroon ng redemption ang ganitong relasyon. Pero malinaw na ang Oportunista ang Kontrabida dito. Ito naman ang payo ko:

 

Sa Inosente: Ganiyan talaga minsan. Ipagluksa mo yung nabahiran na friendship, pero pabayaan mo na. Bigyan mo ng oras at distansya ang “friendship” ninyo. Bakit? Kung sa tingin mo e hindi talaga mangyayaring maging kayo, lumayo ka na habang maaga. Kung hindi mo gagawin ito at tatanggapin parin ang mga pabor mula sa Oportunista, nagbibigay ka na ng motibo. Imbis na Inosente, Paasa ka na. Layo ka nalang. Tapos, i-reexamine mo rin ang ugat ng inyong friendship. Baka naman in the future e may magagawa ka para iwasan na maulit uli ang ganito. Bawas bawas din sa pahampas-hampas sa arm sabay sabi ng, “Ikaw talaga!” Iwasan din ang pagpapacute at papungay-pungay ng mata. Hindi lahat ng inosente para sayo e inosente parin para sa iba. Baka akala nila nagpapapansin ka na.

Sa Oportunista: Ang bata mo namang nag-DOM (Dirty Old Man o Dirty Old Matrona)! Bili ka ng bili, regalo ng regalo, tapos yun pala naghahangad ka rin ng kapalit. Wag ganiyan! Matuto kang makipagkaibigan ng malinis. Huwag atat magkaroon ng significant other. Huwag ka ring maghanap ng vulnerable, gullible, at innocent na pwede mong i-manipulate o gamitan ng emotional blackmail. Kung hindi na matuwid ang layunin mo sa friendship, be honest about it habang maaga pa. Tell her/him na may attraction kang nararamdaman. Kung ayaw niya, at least makakatipid ka. Kung ayos lang sa kaniya, edi hindi ka na niya mapagbibintangan na Oportunista.

 

PAIR #3. Ang Inosente (?;B) vs. Ang Uto-Uto (?;B). Sa apat na pares, ito na ang may pinakamalaking pagkakataon ng success. Pero gayon man, maliit parin ang chance at matagal ang proseso. Patas lang sila. Pero ang relationship na ito ay nasa plateau state. Kung hindi genuinely Inosente ang isa, lalabas at lalabas ang pagiging Paasa nito. Kung hindi naman Uto-Uto ang isa, e lalabas din na secretly Oportunista pala siya. Only time will tell kung mag-eevolve sila into someone else o kung ang matagal na pagkakaibigan e magiging ganap na love story nga.

Sa Inosente: Weh? Inosente ka nga? E bakit binabasa mo tong payo na ito? Kung binabasa mo ito at inaaring para sayo edi hindi ka na inosente! Huli ka!

Sa Uto-Uto: Bago ka mapagod at magsimulang magkwenta, magtapat ka na ha? Hindi mo kakayaning panindigan yan hambambuhay. Baka rin maunahan ka pa ng iba. Kung ayaw niya sayo, ganun talaga. Wag kang mapipikon ha. Pag napikon ka at nagbilang ng investment, sige ka! Oportunista ka na nun.

 

PAIR #4. Ang Oportunista (L;K) vs. Ang Paasa (L;K). Karma ng mga Oportunista ang matapat sa Paasa. Karma naman ng Paasa ang makatapat sa spiteful at vindictive na Oportunista. Kung ang Pair #3 ang may pinakamalaking chance na umubra, ito naman ang pair na may pinakamalaking chance na sumabog into a full-fledged clan war. Bakit? Dahil walang konsensyang tagatanggap ang Paasa samantalang mapagkwentang tagabigay naman ang Oportunista, darating ang panahon na mauubos ang pasensya nila sa isa’t-isa. Pag nangyari yon, magwawala ang Oportunista at ipagkakalat na ginamit siya ni Paasa. Ito namang si Paasa e magpapanggap na Inosente. Tapos in response, magpapanggap namang Uto-Uto si Oportunista para magpaawa. Paulit-ulit, paikot-ikot hanggang maghati ang mga barkada at magsolian ng kandila. Walang maidudulot na mabuti ang pares na ito.

Sa Oportunista at Paasa: BUTI NGA SA INYO! Sige, mag-away kayo diyan. Pagbutihan ninyo. Yan ang kapalit ng paggamit ninyo sa mga Uto-Uto at Inosente.

Hindi naman kailangan ng ganitong dynamics pagdating sa love story natin e. Hindi kailangang may Friendzone para may ma-Friendzone o mang-Friendzone. Bakit hindi nalang tayo maging friends? Friends lang – walang motibo, walang ilusyon, walang bahid ng pansariling interes.

All great relationships are built on honesty. Kung ang pagkakaroon ng Friendzone ang nagiging hadlang sa pagiging totoo natin sa isa’t-isa, mabuti pang kalimutan nalang natin ito. Kung may interes ka sa tao, wag mong ibalat-kayo bilang friendship. Be honest about how you feel. Kung ma-reject ka, tawagin mo rin as it is. Nabasted ka. Di ka niya type. Di kayo para sa isa’t-isa. Ganun talaga. Bahagi yan ng buhay. Hindi ba mas maganda naman yun dahil may finality and with it comes closure? Mas gusto mo pa ba yung nasa back pocket ka?

Wag kang mag-alala. Babae ako at sinasabi ko ito ng buong katapatan. Kung type ka niya, walang Friendzone-Friendzone. Promise.

 

Source: http://paanomagingpinoy.wordpress.com/2014/02/20/the-mythical-friendzone/ ni Ako

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *