Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on Apr 20, 2016 in Contributing Writers | 0 comments

SUMMER, SUM-WHERE?

by Marts Valenzuela

Sa isang tropical country tulad ng Pilipinas, summer means two things: matinding sikat ng araw at, of course, swimming! Kung taon-taon na lang ay swimming ang plano ng barkada, bigyan ng kakaibang ng kulay ang inyong bakasyon with these alternative summer activities.


1. Go on a hike. Yayain ang barkada na mamundok sa Rizal, Cavite o Batangas. Make sure na malakas ang inyong resistensya at hindi basta-basta bibigay sa matinding lakaran at akyatan. Believe me, mapapa-wow ka sa ganda ng nature. Mas authentic pa kaysa jpeg images na nakikita mo sa harap ng computer screen mo.

2. Bike around your neighbourhood. Why not familiarize yourself with the community? Ikot-ikot and appreciate the people around you, habang ipinapanalangin sila. Magsuot ng mask para hindi mo naman pakyawin ang alikabok ng kalye.

3. Visit the nearest park. It is refreshing to visit cityhood parks na sadyang ipinagawa ng munisipyo upang maging pasyalan. Bisitahin mo naman. Bukod sa puwede kang mag-relax habang nasa ilalim ng puno, makipagkuwentuhan ka rin sa mga tao dun. Initiate conversations. Create new friendships. Huwag puro Facebook at Twitter lang.

4. Join church or community outreaches. Bored ka na ba sa bahay at walang magawa? Mag-volunteer sa VBS (Vacation Bible School) ng church ninyo as a teacher or a marshall. O kaya naman ay sumama sa mga community outreaches ng inyong barangay. Kung wala ka pa rin ideya kung saan ka sasama, organize your own event. Mag-invest ng oras sa small group mo sa church. Make your summer meaningful.

5. Learn something new/ Don’t let this summer go without adding value to yourself. Magbasa ng libro, at sikaping tapusin ito. Matuto ng bagong kaalaman: calligraphy, Photoshop, blogging, etc. O di ba masaya?

Marami pang pwedeng gawin para maging mas kapaki-pakinabang ang summer vacation. Ang mahalaga, na laging paalala ng aking pastor, “mag-enjoy nang hindi nagkakasala”. Tara na!

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top