Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on Feb 3, 2014 in Contributing Writers | 0 comments

Si Jesus at ang Tigdas

Uso ngayon sa Pilipinas ang tigdas at isa sa mga paraan upang makaiwas (bukod sa prayer) ay ang magpabakuna. Nagkaroon ng project ang Department of Health ng libreng bakuna sa mga bata sa mga designated Barangay Health Center noong January 31 hanggang Pebrero 3.

Ang anak kong si Ichi ay 2 years and 6 months na at kailangan niya din magpabakuna, kaya pumunta kami sa Health Center ng aming barangay. Ang daming mga nanay at bata na nakapila, malamang lahat kami ay nagaalala dahil madalas ang mga balita na may mga bata nang namatay dahil sa tigdas. Inoobserbahan ko si Ichi habang nakapila kami. Para bang nagtataka siya dahil nag-iiyakan lahat ng mga bata na lumalabas sa center. Bilang nanay, nag-alala din ako dahil baka matakot siya at hindi na magpabakuna. Kaya kinausap ko siya:

Me: Ichi, masakit yung injection. Itutusok yun dito (tinuro ko yung braso niya), pero kailangan mo yun para hindi ka magkakasakit.

Ichi: (nakatingin sa batang umiiyak) opo.

Me: Ok lang naman umiyak kasi masakit yun, pero sandali lang yung sakit. Wag kang matatakot ha, kasi di’ba kasama mo lagi si Jesus. Sasamahan ka niya sa loob. Wag kang matakot ha? Hindi din kita iiwanan.

Ichi: opo ma.

Pumila kami ng medyo matagal dahil sa dami ng tao,nung turn niya na, kalmado kaming umupo sa upuan at hinawakan ko yung braso niya. Pagsabi ng nurse ng “Ito na baby,” bumuntong hininga lang si Ichi at walang reaksyon. Ni hindi man lang umiyak. Hindi din siya nagsalita. Sabi sa kanya ng nurse, “very good!”

Paglabas namin ng center, kinausap ko siya ulit sa pagaakala na baka pinigilan lang niya yung sarili niya sa pag-iyak. Ilang beses ko siyang tinanong kung masakit ba, at “hindi po” lang ang sinagot niya. Kaya pinuri ko siya sa pagiging matapang. Pagsakay namin sa tricycle, tinanong ko ulit siya.

Me: Hindi ka ba nasaktan baby?

Ichi: kasi bantay ko si Jesus, kaya hindi ako matatakot!

Hindi mawaglit sa isip ko ang sinabi ni Jesus sa  Mark 10:14 “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata; huwag ninyo silang tangkaing pigilan, sapagkat ang kaharian ng Diyos ay nauukol sa mga tulad nito.”

Akala nating mga matatanda hindi pa kayang unawain ng mga bata ang kaharian ng Panginoon napatunayan ko na mali ang ganitong pananaw, dahil sa mga simpleng sitwasyon na gaya ng pagpapabakuna maaari nating ituro sa mga batang paslit kung sino ang Diyos na ating sinasamba. Buhay ang Panginoon at kayang-kaya niyang ipadama sa mga bata ang Kanyang presensya, at bilang mga magulang ang role natin ay buksan ang kanilang puso at isipan na makilala si Jesus sa mga simple pamamaraan.

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *