Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on Mar 4, 2017 in Kuya Ronald's Articles | 0 comments

PUBLIC SPEAKING 101

Sa mga nangangarap na maging public speaker someday, may ilang major recommendations akong nais ipasa sa inyo. Disclaimer: I would speak as a ministry./pastor speaker. Maaring hindi angkop ito sa mga corporate at secular speakers.

Una, develop your CHARACTER first. You must LIKE and LOVE people–the public. Kapag mahal mo sila, madali mo silang maunawaan. Kapag mahal mo sila, kaya mong magtiyaga na i-engage sila sa maraming bagay.

Pangalawa, DISIPLINAHIN ang katawan, utak at kaluluwa. Be excellent in everything you do para may mapulot na kakaiba ang makikinig sa iyo. You cannot add value to their lives kung ikaw mismo ay hindi malago bilang tao. Ika nga ni Pareng John Maxwell, Law of the Lid lang iyan.

Pangatlo, LEARN from other people/experts/specialists. Hindi ka si Lord–all knowing. Ipagpag ang pride na nagsasabi sa iyong sarili, na you can do it on your own. Walang self-made successful person. Network with people and organizations. Mahalaga iyan lalo na kung naghahanap ka ng potential partners and clients.

Pang-apat, you need to REST. Hindi puwedeng salita nang salita. Hindi puwedeng on the move lagi. Akala ng iba kapag marami kang speaking engagements, mas nakakatuwa. Siguro sa simula kung kailan excited ka sa ginagawa mo. In the long run, accepting too many invitations can exhaust you. Darating ka sa puntong magiging mechanical na lamang ang iyong ginagawa. Mai-alienate ka sa iyong ginagawa at sa iyong sarili. Take time to step back. Reflect on what you do once in a while. Iyan ang sikreto ng pagbibigay ng fresh perspectives at passionate talks.

Panglima at huli, huwag kang mawawala sa TUNAY NA LAYUNIN ng craft mo–ang makatulong sa pagpapabuti ng buhay ng tao at papurihan ang Diyos sa iyong buhay. Kapag natuon ka na sa kasikatan at kayamanan (mataas na speaking fee), diyan na magsisimula ang pagka-agnas ng iyong calling. We live to make God famous sa ating buhay. Ika nga ng isang sikat na church song, hindi tayo nabubuhay para sa ating sarili lamang.

God bless your public speaking ministry!

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top