Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on Dec 8, 2013 in Contributing Writers | 1 comment

Pangit Ba Ako?

by Kerlyn Rufino-Bobadilla

Pangit ba ko? Ito yung palagi kong tinatanong sa sarili ko nung high school ako. Sabi naman ng mga friends ko maganda naman daw ako, sexy pa, matalino at active ako sa school. Pero bakit walang nagtatangkang manligaw sa’kin? Halos lahat kasi ng mga kaibigan ko may nagkaka-crush sa kanila, may mga nanliligaw din. Pero bakit sa akin wala? May nanligaw naman pala sa akin noon pero hindi ko naman gusto, kaya ending frustrated pa din ako.

Ilang taon kong tinanong sa sarili ko yung mga tanong na yan, saka ko lang nalaman ang sagot two years after I got married. Habang naliligo ako kanina biglang pumasok sa isip ko yung tanong ko, pangit ba ko? Tapos sabay flashback nung time na kausap ko si Marco, barkada ko nung high school.

Marco: alam mo ba gha (nickname ko) nung high school tayo ang hot mo. (tapos hindi ko na idedetalye yung kwento niya tungkol sa mga boys na may gusto sa akin noon, kasi nakakahiya baka isipin niyo masyado akong feelingera. Haha!) Basta ang point, madaming nagkakagusto sa akin noon na kakilala niya. Takot lang daw manligaw kasi mukha daw akong masungit at mataray pa.

friend: alam mo nung elementary saka high school crush kita eh. Kaso parang ang taas kasi ng standards mo kaya di kita niligawan.  Baka mabasted lang ako.

friend: Nakakatakot ka naman kasi nung high school, kahit mga gang members sa school takot sayo. Kaya di kita niligawan.

So ending, nalaman ko lahat ng confessions na ito nung ako ay in a relationship na for how many years sa aking ex-boyfriend (dahil asawa ko na), si Christian. Nung narinig ko yung mga confessions na to, aaminin ko na nakaramdam ako ng pride. “Ay hindi naman pala ko pangit!” “Grabe, hindi ko man lang na-enjoy yung time na ang dami palang may gusto sa’kin. Di ko naramdaman!” Lahat naman tayo nagyi-yearn sa attention at appreciation, lalo na sa teen-age years hanggang sa early adulthood. Normal na hinahanap hanap yan ng kabataan. So when I realized na I was appreciated, I felt satisfied. Hindi naman pala ko wall flower nung high school. May nakakapansin naman pala sa angkin kong ganda, takot nga lang kasi mataray naman talaga ako noon.

(Balik scene sa shower) Now I realized na it was God’s way of saving me from too much heart ache. God created me, pati character ko siya ang nag-program. Biruin mo kung hindi ako mataray nung high school, ilang lalaki kaya ang nang-uto at nambola sa akin? At kung gullible ako, ilang beses kaya akong nabola at nauto nang kung sinong Ponsio Pilato no? Siguro nagbilang na din ako ng mga naging boyfriend ko gaya ng ibang kakilala ko na parang nagpapalit lang ng damit kung makapagpalit ng boyfriend. Siguro ang dami kong emotional scars na dala-dala sa marriage ko ngayon. At siguro hindi ko mamahalin ng buong-buo yung asawa ko dahil sa hurts na naranasan ko sa mga failed relationships ko.

Ang galing ni Lord no? Pinaalam niya sa akin na may mga nakaka-appreciate naman pala sa akin noon, pero nalaman ko yun nung taken na ako sa lalaking inihanda niya para maging asawa ko. Christian appreciated me for who I am. Mahal niya lahat sa akin, kasama na ang mood swings ko. God is really good kasi He covered me with his protection sa mga lalaking pwedeng makasira sa love story na inihanda niya para sa akin. Hindi man naging perfect o smooth ang relationship namin ni Chistian, I know it is God’s best for me; and I am happy with our marriage.

Ikaw, tinatanong mo din ba sarili mo kung pangit ka? Nakita mo na ba yung sarili mong naiinggit kasi may love life sila at ikaw wala? Kapatid, hindi sukatan ng iyong ganda o halaga ang dami ng manliligaw o dami ng naging boyfriend. Ang totoo nga niyan, sa mata ng ibang mga lalaki mas madaming ex-bf mas mababa na ang value mo kasi madami ng “nakatikim” sa’yo.

Minsan nakakalungkot naman talagang isipin na twenty-four years old ka na pero wala pa ding naglalakas ng loob manligaw sayo. Pero hindi ibig sabihin nito na undesirable ka o walang nakakaappreciate sayo, ibig sabihin lang non inihahanda pa ni Lord ang puso mo sa pagdating ng lalaking inihanda niya para sa’yo. God is saving you from too much heart aches. Wag kang magmadali. Ienjoy mo yung singlehood mo, lalo mong pagtibayin ang relationship mo sa Panginoon. Kasi kung kilalang kilala mo si Lord, pag nalaman mo kung gaano ka kahalaga para sa kanya, hindi mo na iisipin kung gaano ka kahalaga sa mata ng mga tao sa paligid mo. Kapag nalaman mo kung gaano ka Niya kamahal, matututo kang makuntento sa pag-ibig na sa Kanya lang nagmumula.

“The Lord does not look at the things man looks at. Man looks at the outward appearance, but the Lord looks at the heart.” – 1 Samuel 16:17

Ingatan mo yung puso mo, kasi si Lord iniingatan yan. Alam kasi niya na lahat ng pagmamahal na ibabahagi mo diyan magmumula. Kapag puro sakit ang dinanas niyan magiging madamot yan sa pagmamahal. Kaya hangga’t single ka pa, punuin mo yan ng pag-ibig na nagmumula sa Kanya, hindi mo namamalayan sa pagmamahal pa lang ng Panginoon busog na busog ka na.

“Above all else, guard your heart, for it affects everything you do.” – Proverbs 4:23 (NLT)

P.S Walang pangit na tao sa mundo, kasi lahat tayo ginawa na kawangis ng Panginoon.

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

1 Comment

  1. It was such an amazing one. I can relate to it. Thanks for sharing. I learned a lot from it. 🙂 God bless you.

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top