Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on Sep 9, 2015 in Contributing Writers | 0 comments

Kasi Hindi Ako Ganun Kaganda

Madalas tayong mga babae, hindi natin maiwasang magkumpara ang sarili natin sa iba. Bakit ba iniisip nating masmaganda ang unat kesa sa kulot? Pero nagpakulot na naman ang mga straight? Bakit gusto pang pumayat pa more eh payat na nga. Kahit na magapply ka pa ng smokey na eyeshadows, hindi mo kailanman maitatago sa mata ang mga sagot ng mga bakit. At ang karaniwang sagot, “Kasi hindi ako ganon kaganda”.

Mayroong isang kabataan, “Ate naiingit ako sa kaniya. Halos lahat ng crush niya, nililigawan siya. Bakit ako? Ni isa, wala? Bakit hindi ba ako ganoon kaganda?”

Minsan kahit sa loob ng pamilya. “Mas pinapaburan siya Ate kasi masmaganda siya. Lagi siyang dinadala sa opisina ni Papa. Ako hanggang gate lang. Kasi maganda siya. Siya, laging may pasalubong. Bakit ate? Kasi hindi ako ganun kaganda? ”

“Binigay ko sa kaniya lahat. Pati katawan ko. Hindi kasi siya kuntento sa puso ko o sa oras ko o pag-ibig ko o kahit sa mukha ko. Kasi para sa kaniya, hindi ako ganoon kaganda. Pero pagkatapos niyang makuha lahat, kahit iniwan niya ako, andito pa din ako, umaasang babalik siya. ”

Marami sa mga kababaihan ang may ganitong problema. Hindi dahil sa hindi sila maganda. Sa totoo lang, maganda sila. Pero mas tinanggap nila sa puso nila ang mga sakit na sinisigaw ng mga tao at ng mundo. Naghahanap kasi tayo ng pagmamahal. Lahat naman dahil kailangan nating mabuhay. Pero paano kang mamahalin ng mga taong hindi alam ang halaga mo? Kaya maraming nageexert ng effort para makakuha ng atensyon, kumakain ng Kojic Soap para magmukhang katanggap tanggap, ibibigay ang sarili para mahalin. Kahit kay Lord, akala mo tatanggapin ka o papaburan lang dahil nagseserve ka o kapag may ginagawa ka. Kinaganda mo talaga iyan?

Ugly Duckling

Tumingin ka sa salamin o kaya sa front facing cam ng phone mo. Ang ganda niya no? Tignan mo. Mula sa buhok, sa mata, mga pilik mata, sa mga labi. Oh! Ang ganda talaga lalo kapag nakangiti. At kanino niya daw ikinukumpara ang sarili niya? Masmaputi daw ang iba? Masmapayat daw ang iba, masmaganda daw ang buhok ng iba, masmaganda.. Sino yung iba? Sino??? Hindi niya ata alam yung halaga niya kaya kung ibigay niya yung puso at oras at buhay niya kung kani kanino ay ganun ganun na lang. Para sa pagibig o atensyon na inaasam. Pero alam niya kaya ang value niya?

Ang presyo ng isang painting ay nakadepende sa kung sino ang gumawa nito. Kung mahusay ang gumawa, mataas ang presyo. Kung painting ka, alam mo ba kung gaano ka kamahal? Buhay lang naman ang ibinayad para sa iyo ni Jesus dahil sa sobrang taas ng value mo.

Pakipaalala sa kaniya na Fearfully and Wonderfully Made siya. Buong ingat at takot na takot na baka magkamali kapag ginawa. Bawal erasures. Tamang tama. Eksakto ang pagkakalikha sa kaniya. Tignan mo yung mga mata niya. Pinagisipan kung anong kulay niyan. Hindi pa siya nageexist sa mundo, pinagisipan na iyang shape ng kilay at talukap ng mata niya. Unique. Walang katulad na ganyan mula noong unang gumawa si Lord ng tao hanggang sa darating na mga panahon. Iisa lang iyan. Tapos sasabihan lang ng iba o niya na hindi maganda?

Pakipaalala sa kaniya kung gaano siyang kamahal at kung gaano siya kaganda. Wala siyang kailangang palitan. Hindi niya kailangang maghabol o mageffort. Favored na siya dahil binigyan siya ng value ng Lumikha. Minahal ka. Minamahal. At Mamahalin. Hindi man matugunan ng mga tao ang expected mong atensyon o love ng iba, hayaan mo na. Hindi naman kasi talaga tayo designed para masatisfy ng pagibig ng tao. Ingatan mo ang sarili mo, hah? Huwag mong iisipin na wala kang value o inferior sa iba. Dahil sa totoo lang, maganda ka.

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top