Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on May 30, 2014 in Contributing Writers | 0 comments

Kapit Lang

”Hawak ka lang lagi sa kamay ni mama ha? Para hindi ka mawawala kasi madaming tao.”

Ito ang palagi kong paalaala kay Ichi tuwing nasa pampublikong lugar kami. Hindi na kasi safe ngayon ang mga bata sa labas ng ating mga bahay. Madami nang mga nababalita na nawawalang mga bata, yung iba may kumuha daw at yung iba naman ay nawala na lang na parang bula. Kaya simula ng natutong maglakad at umunawa si Ichi, palagi ko siyang pinaalalahanan na laging humawak sa aking kamay saan man kami magpunta.

Ichi is turning three years old this coming July. As she grow older, napapansin ko na nadedevelop din ang kanyang sense of security especially kapag nasa public place kami. Isa sa mga napansin kong ugali niya kapag naglalakad kami ay ito: kapag nararamdaman niya na lumuluwag yung pagkakahawak ko sa kamay niya, kusa niyang hihigpitan ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Minsan sinasadya kong luwagan ang pagkakahawak ko sa kanya para obserbahan kung ano ang gagawin niya, ganun pa din paulit-ulit. Hindi siya basta-basta bibitaw sa kamay ko hangga’t hindi ako yung unang magsasabi na bumitaw siya at may bibilhin ako. May napansin din akong isa pang ugali ni Ichi, kapag nasa open-space kami kagaya ng mga park o kaya playground hindi siya basta-basta bibitaw sa akin para tumakbo hangga’t hindi ko siya sasabihan na tumakbo at maglaro.

Ichi is very dependent to me. Hindi siya basta-basta kikilos nang hindi nagpapaalam. Alam niya na hindi niya pa lubusang kabisado ang mundong ginagalawan niya kaya kailangan niya ng aking guidance at desisyon bago siya kumilos o mag-laro. Alam niya na maaari siyang mapahamak kapag lumayo siya sa akin ng walang permiso.

Bilang Kristyano tayo ay hindi taga dito sa mundo, foreigner tayo sa earth kasi taga-langit tayo (Fil 3:20). Kapag hindi ka kakapit nang mahigpit kay Lord; sa kanyang mga pangako at utos, maliligaw ka o di kaya’y tuluyang mawawala. Sabi ni Pedro ang diyablo ay parang leon na umaatungal at umaali-aligid at naghahanap kung sino ang malalamon niya (1 Pet 5:8). Kagaya ng pagaalala ko sa seguridad ng anak ko, higit pa doon ang pagaalala ni Lord para sa ating kaligtasan. Gagawa at gagawa ng paraan si Satanas para alukin ka ng mga bagay na maaaring magpabitaw sa iyong relasyon sa Panginoon. Gaya ng tao (relasyon), kayamanan, kasikatan, at madami pang iba. Kung hindi ka kakapit kay Lord, at magdedesisyon ka basta-basta maaaring tangayin ka ni Satanas at tuluyan ng mapalayo sa Diyos.

Anak tayo ng Diyos. Walang matinong magulang ang magpapahamak sa anak. Alam ni Lord kung ano ang makabubuti para sa atin at ito ay para sa ating ikabubuti (Jer 29:11). Maging dependent tayo sa Kanya sa lahat ng oras dahil apart from Jesus we are nothing. Hindi dapat tayo basta-basta kumikilos at nagdedesisyon nang hindi natin ito ipinaaalam at inihihingi ng permiso sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin at hindi dapat natin ito isinasagawa hangga’t walang go-signal ni Lord dahil sigurado na tayo ay mapapahamak. When we disobey God, we are consciously making a decision to turn away from his protection. Yan ang katotohanan. Kaya dapat kapit lang.

Bakit ko nga ba sinasabihan si Ichi na humawak sa kamay ko gayong pwede namang ako lang ang humawak sa kanya para hindi siya makawala. At bakit sinabi ni Jesus na dapat manatili tayong malapit sa kanya upang tayo ay patuloy na mamunga (John15)? Dahil ba gusto ko lang na hinihigpitan ko ang anak ko? Dahil ba gusto ni Lord na maging alipin at sunud-sunuran tayo sa kanya?

Kahit anong higpit ng kapit ko bilang nanay, si Ichi pa din ang magdedesisyon kung hanggang kailan siya hahawak sa aking kamay. Hindi ko siya pwedeng sakalin at paghigpitan habang buhay kasi darating ang panahon na magkakaroon siya ng sariling isip at desisyon. Ang maaari ko lang gawin ay patuloy na ipakita sa kanya na mapagkakatiwalaan niya ako at hindi ko siya pababayaan kahit kalian.

Ganun din si Lord. Hindi siya dumating sa buhay mo para gawin kang sunud-sunuran. Dumating siya para ikaw ay kanyang mahalin at pangalagaan. Pero sa kabila ng pagiging makapangyarihan ni Lord hindi niya tayo ginawa para maging parang robot na oo lang ng oo sa kanya. Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan na magdesisyon (free will). Nasa ating mga kamay kung patuloy tayong kakapit sa kanya upang tayo ay mapangalagaan niya, o bibitaw tayo at tuluyan ng mapalayo sa Kanya.

Ikaw, gagayahin mo ba si Ichi na patuloy na kakapit? O bibitaw ka upang ang mga pansarili mong hangarin ay iyong makamit? Ngunit pakatandaan na sa  iyong pagbitiw, ang pagkawalay sa Panginoon ang magiging kapalit.

 

Source: http://diariesofayoungmom.wordpress.com/2014/05/30/kapit-lang/

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *