Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on Apr 26, 2016 in Kuya Ronald's Articles | 0 comments

Ilang Tips Para Iwas-Beast Mode Sa Social Media

 

1. Dapat madasalin ka. Babaguhin ka niyan dahil kapag ayos ang relasyon mo sa Panginoon, kahit gaano kasama ng tao o anupaman, may dahilan ka para mahalin sila. Lalabas ang fruit of the Spirit (love, gentleness) because you are led by the Holy Spirit.

2. Huwag ka nang magpost ng mga inflammatory statements na talagang kukuyugin sila (lalo na kung minority group member ka). Be picky with your words. Pag-isipan nang husto kung ang post mo ay pupukaw sa beastmode character ng iba.

3. Kapag nilait ka, huwag ka nang sasagot kung puwedeng palampasin na lang. Choose your battles very well. Madalas, bago pa nag-comment ang lumilibak sa iyong posisyon, settled na ang utak niyan. Hindi papatalo. Unless close friend kayo, madaling hilutin ang puso niyan sa matinong diskurso. Mag-PM na lang kayo.

4. Mag-UNFOLLOW ng mga taong nagbibigay-stress sa iyo. Less exposure sa contentious topics, mas mame-maintain mo ang iyong blood pressure. I-activate mo na lang uli kapag ok na sila at hindi na mainit ang sitwasyon at online drama. smile emoticon

5. Mag-HIATUS muna sa social media kung hindi mo talaga kaya ang pressure ng matinding balitaktakan. Hindi mo kayang kontrolin ang dagsa ng stressor sa iyong buhay ngunit magagawa mong umiwas sa kanila. Comment lang kung may maidadagdag ka pa. SPREAD THE LOVE!

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *