Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on Mar 5, 2015 in Contributing Writers | 0 comments

HINDI PA NGAYON! Sagot ni Lord sa Panalangin ko.

waiting

Pero bakit hindi pa ngayon? Bakit di pa panahon para pumasok sa relasyon? Isa ito sa mga tanong na pinagtalunan ng isip ko sa mga panahong nais na nais at adik na adik akong magka-girlfriend. Ikaw ba naman, yung mga kaibigan mo meron nang GF pagkagraduate pa lang, yung iba nga nag-aaral pa lang. Sa church, kahit youth (na nag-aaral), meron ding mga ka-GF/BF. Sa amin kasi, medyo maluwag. Hindi naman bawal. Ang pwede ko lang gawin, magpayo at mamigay ng Lovestruck books. Hahaha!

Pero bakit, hindi pa ngayon? Lord naman! Bakit hindi pa ngayon? Hantay ako ng antay. Tila tahimik si Lord. Ewan ko ba. While contemplating on His Word (now, nasa Ecclesiastes ako and Numbers,) I just realized some things and God spoke in His words about some points. I want to share this sa ating mga kabataang nasa ating 20s pa lang. (note: pa-21 pa lang ako. Hahaha!)

1. Enjoy your season. Meaningless! Meaningless! Ang buhay daw ay meaningless pag wala si Lord. Sabi niya sa Ecclesiastes, let us enjoy the fruits of our labor daw kasi God is pleased with that. So kung single pa ako ngayon, I just believe God wants me to enjoy the fruits of my labor. Ngayon pa lang ako sumesweldo. First time makatanggap ng sahod na may 5 digits. (Yiee. Pero wala na siya ngayon, nawala ko pa yung pera ko. Hurthurt). I just claim to the promise that He makes all things beautiful in His timeKaya tayo naiinip sa mga bagay bagay na pinangako sa atin ng Panginoon dahil nilalagay natin yung timetable Niya sa kamay natin. Kung anumang season ang ibinigay sa atin ng Panginoon, let us use that for the glory of God. Let us use that so that He may be glorified and so that we may enjoy it to the full. Sabi nga diba sa John, Jesus came so that we may have life and life to the full. I-all caps ko pa. FULL. Pag full, sapat sapat. Full naman tayo with love with God. Until we are satisfied with the love of God, all our longings are met and all our fears removed. Hindi si girlfriend ang makakapagpuno sa longings ng puso mo. Si future GF ay bonus sayo ni Lord. 😉

2. Minimum wage earner ka pa lang. Yes. Ang sahod ko ngayon sabi nga ng butihin kong lola ay “pang single” lang. Iniisip ko, kung papasok ako sa isang relasyon, aba, mag-iinvest din ako ng pera. Lilibre ko siya sa Trinoma. Siyempre, working ako, hindi na pwede sa McDo lang. Maglelevel up din yan. Kasi gusto ko best foot forward. Pero kung minimum wage earner lang ako at pang-single lang ang sahod, at siyempre, pinapagamot ko pa si lola at nag-iipon para sa bahay, bakahindi pa panahon para pumasok sa relasyon. Sa akin lang, kung time na ni Lord pumasok ako sa relasyon — He will provide. Diba nga, kung God’s will, God’s bill. So I just believe by faith na isa sa mga indicators na pwede na akong pumasok sa relasyon ay kung financially stable na ako.Pag bayad ko na in full tong laptop na gamit ko. Pag may sarili na kaming bill ng kuryente. Pag okay na ang family ko. Pag stable na kong nakakapagtithes. Yaaah! Siyempre, gusto ko rin kung papasok ako sa relasyon at magiging mag-asawa kami ay maging good provider ako sa kanila, sa kanya at sa mga magiging anak namin.

3. Para sa mga estudyante, nag-aaral ka pa eh. Nakita ko na. Teacher ako. Nagkaroon rin ako ng relasyon noong ako’y high school at nung college ako. (Ayiiieee. Wag na nating ikwento. Hahaba ang blog.) Pag pumasok ka sa relasyon, kakain ng oras yan. Kung di mo magawang magreview ng Chemistry habang kasama siya, wag ka muna pumasok sa relasyon. Provided na, sabihin nating review partner mo siya — eh hindi rin eh. Subok na. Pag magkasama kayo, may mga 10% na magrereview kayo. Siyempre, natural na attracted ka sa kanya (impatsoweyted ka eh), makapagfocus ka kaya sa studies mo? Ako hindi nakapagfocus nun. Promise. Pumapasa naman, kaya lang pasang -awa.  Sinasabi ko bang lahat ng in a relationship na estudyante, bumabagsak o low achieving? HINDI. O, lilinawin ko. HINDI LAHAT NG MGA IN-A-RELATIONSHIP NA ESTUDYANTE, BUMABAGSAK O LOW-ACHIEVING! Ang gusto ko lang na iconvey na message ay ganito, it is hard for us to manage our time. May isa sa inyong dalawa magsasacrifice. Promise. Or else, kayong dalawa. Your choice. Ang shineshare ko, personal experience. Iba iba naman ang hulma ng ating mga kwento. Kaya walang problema. We can agree to disagree. 🙂

4. Wag magdagdag ng commitments.  Ang generation ngayon ay generation of multitaskers. Sige nga, tignan mo ngayon kung ilang tabs ang bukas sa browser mo. Nasanay tayong mga 90s and new millennium babies na magsabay sabay ng mga gawain. The problem with multitasking is that it lessens our efficiency in our work. Ang pagpasok sa relasyon ay isang commitment. Kung may commitment ka sa magulang mong mag-aaral ka ng mabuti, may commitment ka kay Lord na mamahalin siya, may commitment ka sa church na tutugtog ng drums linggo linggo, may commitment ka sa mga kaibigan mo to be a shoulder to cry on, baka maoverwhelm ka sa commitments. Sabi ng isa kong kuya sa church, nagkakaproblema tayo kapag andyan yung mga opportunities (mga pinto) pero sabay sabay nating binubuksan at pinapasok. Natataranta rin tayo. There’s nothing wrong with entering a relationship, but let God have a piece of say in what you do. Sabi nga, commit to the Lord all your plans. 🙂

Lastly, #5.

5. Delight ka muna sa akin anak. Yan sinabi sa akin ni Lord. Ang pagiging anak ni Lord ay isang malaking pribilehiyo. Aba, to be called a son of God is the best gift I ever had in my life. Eh wala, gusto ni Lord na madelight muna ako sa kanya bago sa iba. Sa’yo rin. Mahal ka rin niya eh. So gusto niya, yung focus mo sa kanya. Kung naniniwala kang siya ang Diyos, siya rin ang Great Provider. Siya magpoprovide kung sino man ang magiging future partner mo. Hindi lang future partner mo, kundi pati ang future mo. You know, sa mundong ito, may tatlong will — God’s will, your will and the world’s will. Ang maganda dun, di tayo ginawa ni Lord na robots. We have the freedom of choice of what we will choose. Most of the time, we choose our own will. But one thing is for sure, when we are in the will of God, we are in a perfect will. 🙂

Nanalangin ako,

“this year na ba Lord?”

Sagot ni Lord,

“HINDI PA NGAYON! 🙂

Mahal kita anak, kaya ayaw kitang masaktan. Delight in me. I’ll provide at my time. -God. :)”

Try mong itanong kay Lord. Ano kaya sagot niya sayo? Mahal ka Niya! 🙂

Source: https://futureworshippastor.wordpress.com/2015/01/02/hindi-pa-ngayon-sagot-ni-lord-sa-panalangin-ko/

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *