Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Publications

 
 Pass or Fail? Book 3 (How to be the Best Yuppie Ever)

“I need a job!” So far, naging best student ka na, naging best youth pa. Pero eto na ang clincher: Makakahanap ka ba ng magandang trabaho? This is where the rubber meets the road. Enough na ba ang knowledge at life skills mo para marinig ang magic words na, “You’re hired!”? Kung medyo clueless ka pa how the workplace world works, don’t worry. Nasa librong ito ang mga kailangan mong malaman to get started. After mong mabasa at magawa ang tips dito, damit para sa interview na lng ang kailangan mo! #careergoals #passorfail #peraopassion

 

 

 

 

Lovestruck: Sakit No More Edition

Sa Sakit Edition, nalaman ninyo ang kalimitang bloopers ng marami sa pakikipagrelasyon. Sa pagkakataong ito, tatahakin natin ang landas patungo sa paghilom ng puso. Healing should happen in different domains—physical, intellectual, emotional, social and spiritual. Kung ang unang Sakit book ay for inspiration and information, ito naman ay for understanding and application. Ito ang pantanggal ng mga “ouch” moments ng post-breakup life. Pampahupa. Pampakalma. Pampaampat ng mga nagdurugong puso. Healing tips para sa mga nagsisimulang mag-recover sa kabiguan. This is the time to make things better.

 

 

 

Pass or Fail? Book 2 (How to be The Best Youth Ever)

After makuha ang diploma, ano na? OK lang na pagkagraduate ay bumawi ka muna sa tulog (from your many sleepless nights kakatapos ng requirements) pero wag maiwang natutulog sa pansitan. Young person, welcome to the real world of getting no more allowance and paying your own bills! Eto na ang moment mo to shine. Prove to yourself and to others na kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa. And with God by your side, who knows kung gaano kalayo ang mararating mo?

 

 

 

 

Lovestruck: Sweetheart Edition

Green is in! Idamay mo na ang lovelife mo sa healthy living mo. Ready ka na bang i-give up ang high blood, insomnia at migraine sa kakaisip kung compatible kayo? You-and-me-against-the-world ba ang peg mo kahit may mali sa sitwasyon ninyo? Linya mo ba ang “Walang makakapigil sa amin!” masunod lang ang puso mo? Gusto mo nang palitan ang relationship status mo nang seryosohan pero tingin mo naman sa pag-aasawa ay bahay-bahayan lang. Alamin kung ano ang itsura ng maayos at tamang relasyon that will stand the test of time. Bago mo ibook ang dream wedding venue mo, basahin mo muna ang librong ito. Maniwala kang may forever dahil may isang klase ng love na talaga namang pang-out of this world.

Sample Chapter here: Lovestruck-Sweetheart-Edition-WEB

 

 

Lovestruck: Sakit Edition

“Lord, give me amnesia para makalimutan ko na siya!” Di ka nag-iisa kung naipanalangin mo na ito. Ilang balde na ang nailuha mo pero di pa rin mawala-wala ang heartache mo. Kung magkukulong ka rin lang sa kuwarto, dalhin mo ang librong ito. Pagkalabas mo, maiisip mo na may hope pa para sa iyo. Hindi dahil magkakabalikan kayo kundi dahil malalaman mo kung sino talaga ang nagmamahal sa iyo. Sa mga never pang na-heartbroken, this book is for you too! Matuto mula sa experience ng iba nang makaiwas ka sa pinagdapaan nila.

Sample Chapter here: Lovestruck-Sakit-Edition-Sample-Chapter

 

 

 

Pinoy Big Values

Pag narinig mo ang mga salitang “Pinoy Ako,” kanta lang ba ng Orange and Lemons ang naiisip mo? Kung ipinanganak ka sa isa sa mga 7,107 islands ng Perlas ng Silangan, Pinoy ka. O kahit na sa ibang bansa ka nagkamulat pero certified Fiipinos ang parents mo, matatawag na kalahi ka din ni Jose Rizal at Manny Pacquiao. Pero what makes a person truly Pinoy? Ano ang mga distinct values na nagdedescribe kung sino nga ba tayo? Nagjoin forces si Ronald at Rei para lang iexplain ang mechanics of being a true Filipino — sa isip, sa salita at sa gawa. At ang lahat ng ito ay nagsisimula sa puso.

Sample Chapter here: Pinoy-Big-Values-sample-chapter

 

 

Lovestruck: Love Mo Siya, Sure Ka Ba?

Kendisbilab?

Yan ang lagi mong tinatanong sa sarili mo. Every time you feel yourself falling for someone, you always wonder if it’s the real thing. Paano nga ba malalaman kung siya ang the one?

Kung lovestruck ka, take it slow. Hindi naman siguro mag-e-end of the world if you pause for a while and take some time to read this book. Walang guarantee na mapapansin ka na niya pero malalaman mo kung pwede na bang i-level up ang friendship ninyo.

Sample Chapter here: Lovestruck Love Mo Siya Chapter 1

 

 

Lovestruck: Singles Edition

“Graduate na ako sa puppy love!” Feeling mo mature ka na kaya di ka na basta-basta mabo-brokenhearted. Nakaka-ilang MU ka na pero bakit hindi pa rin natutuloy sa totohanang relasyon? Pray ka nang pray para sa one true love mo pero paano kung napunta siya sa iba?

Worth it magmahal kahit may risk masaktan pero mag-ingat ka naman. Imagine, gusto mo ba talagang magzipline na walang harness o tumawid habang naka-go pa ang stop light? H’wag itaya ang buhay at puso mo when you’re falling in love. Seryosohin mo na kasi ang paghahandle sa lovelife mo at baka sakaling seryosohin ka na rin niya.

Sample Chapter here: Lovestruck SINGLES Chapter 1

 

 

Lovestruck: Sexy Edition

Ikaw Na Ang Sexy! Diet mode ka na forever or nakaka-100 reps ka na ng pushups ma-attain lang ang ideal body mo. Feeling mo kasi, kapag sexy ka na, mamahalin ka na niya.

Pero teka, does sex equal love? What do you know about sex? Why do some people think sex is a dirty word? Kailan ito pwedeng gawin with zero guilt? At bakit andami kong tanong?

Pause ka muna sa pagpapasexy. Love with your heart and not just your body. Dahil mas importante ang laman ng puso mo kaysa sa shape ng katawan mo.

Sample Chapter here: Lovestruck-SEXY-EDITIONchapter1

 

 

Pass or Fail? (How to be the Best Student Ever)

Lagi ka bang may kaba tuwing mag-eexam, magpapasa ng requirements o kapag may graded recitation? Ano ba ang kelangan gawin para hindi naman laging 50/50 ang buhay mo sa school?

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail