Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on Dec 8, 2014 in Contributing Writers | 0 comments

Ang totoong “sorry” galing sa heart at may kasamang love.

Si Ichi ay isang pilyang bata. Magaling siyang mang-asar. Minsan napagtripan niyang asarin Tatay ko at sinabihan niyang ayaw niyang makatabi si Lolo Boy dahil mabaho daw dahil hindi naligo. Dahil malakas din mang-asar ang Lolo niya, pinagtripan din niya at kunwaring pinagalitan si Ichi.

Likas na emotera ang aking anak kaya nag-iiyak siya nung sinabi ni Tatay na palalayasin siya sa bahay dahil nang-aaway siya. Inasar siya ng inasar ni Tatay at siguro dahil hindi na ma-take ni Ichi ang pangbu-bully ng Lolo nagsabi siya ng “Edi sorry na!” Medyo pasigaw niyang sinabi na may kasamang pagmamaktol. Fake ang sorry. Singaw sa ilong kumbaga.

Napagod si Tatay sa pang-aasar at iniwan kami sa kwarto habang si Ichi ay iyak ng iyak. Hindi ko nagustuhan yung pabulyaw na “sorry” ni Ichi kaya pinagalitan ko din siya. Kapag pinapagalitan ko si Ichi, madalas kong tinutulungan siyang i-process yung mga bagay na nangyare. Hindi ko siya direktang sinasabihan agad ng “bad yan” tinatanong ko siya ng mga bagay na makatutulong para maunawaan niya ang nangyari.

Me: chi, hindi ko gusto yung pag-sorry mo kay Lolo Boy. Bakit mo siya sinigawan?
Ichi: iyak lang ng iyak
Me: Chi, ang totoong “sorry” galing sa heart, may kasamang love. Yung sorry mo kanina kay Lolo Boy, may kasama bang love yon?
Ichi: wala po
Me: galing ba sa heart yon? (pointing to her chest)
Ichi: hindi po
Me: hindi gusto ni Lord yung sorry na walang kasamang love. Ibig sabihin, peke yung sorry mo. Kaya dapat mag-sorry ka kay Lolo Boy na galing sa heart at may kasamang love.

Medyo matagal-tagal na usapan pa ang naganap hanggang sa makumbinsi naming mag-asawa na dapat siyang humingi ng sorry kay Lolo Boy. Awa ng Diyos, humingi siya ng sorry na may kasamang kiss at hug. Tinanong ko siya kung saan galing yung sorry niya, at sinabi niyang sa heart at may kasama nang love.

So bakit ko nga ba sinulat ito? As I was writing things Ichi taught me, God reminded me of this virtue, ang paghingi ng “sorry” sa Kanya. And little did I know, mas marami akong natutunan kesa sa naituro ko kay Ichi.

Ilang beses ba akong humingi ng sorry na galing sa heart, yung may kasamang love. Bilang tao, madalas nagso-sorry ako para lang matapos na yung away. Para hindi na humaba. For the sake lang na matapos. Pero wala akong intensyon na magpakumbaba talaga o mag-extend ng pag-ibig at pangunawa at lalung-lalo na ay wala akong planong magbago. Kaya ang kadalasang nangyayari, magso-sorry ako ngayon pero mauulit din yung pagkakamali dahil walang sincerity at hindi out of love ang paghingi ng tawad.

God cannot be deceived dahil hindi siya basta-basta nakikinig sa sinasabi natin at tumitingin sa ating ginagawa when we ask for forgiveness. He looks at our hearts and examines kung tunay ba ang paghingi natin ng tawad (Jeremiah 17:10). Ilang kasalanan na ba yung ihiningi mo ng “sorry” pero hanggang ngayon ay ginagawa mo pa din? Siguro hindi mo talaga gustong itigil yung kasalanan mo. You know that God is gracious kaya akala mo sa tuwing magso-sorry ka, solve na ang problema. Teka, mag-isip-isip muna tayo.

Sabi sa 2 Chronicles 7:14, “If my people who are called by my name humble themselves, and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then I will hear from heaven and will forgive their sin and heal their land.”

Una, ang paghingi ng sorry ay may pagpapakumbaba. Hindi yung may conviction na from the Holy Spirit, ang sasabihin lang natin “Edi sorry na!” gaya ni Ichi. Dapat tanggap mo sa sarili mo na may kasalanan ka at kailangan mo ng pagpapatawad ni Lord upang maging malaya ka.

Pangalawa, ang paghingi ng sorry ay sincere. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaranas nito, pero ‘di ba kapag may kasalanan tayong nagawa pakiramdam natin ang layou-layo ni Lord sa atin? Yung tipong kahit ilang oras ka ng nagdadasal, parang hindi ka Niya pinakikinggan. Ganun siguro kapag nag-grieve na ang Holy Spirit dahil patuloy natin Siyang sinusuway. If you are sincere sa paghingi ng tawad, hindi ka titigil dahil sa “feeling” mo hindi mo nararanasan yung presensya ni Lord at dahil “feeling” mo hindi ka Niya pinakikinggan. Magpapatuloy kang saliksikin siya, through daily quiet time and meditation of the Word of God. Huwag kang tumigil hangga’t walang breakthrough ang Holy Spirit sa iyong buhay.

Pangatlo, ang totoong paghingi ng sorry ay may kasunod na pagbabago. It doesn’t mean na 24 hours ay banal ka na. No, it means you will decide that you will obey and let the Holy Spirit transform you. How? By being sanctified by God’s Word (John 17:17). Medyo related ito sa pangalawa kong point. Ang Bible ibinigay yan ni Lord upang maging gabay sa ating pamumuhay. It is more than a history book about Christianity. The Word of God has the power to transform our lives through the power of the Holy Spirit, kung seseryosohin lang natin ang pagbabasa at pag-aaral nito.

Ang totoong sorry, galing sa heart. May kasamang love. Ito yung sorry na katanggap-tanggap kay Lord. Mas gusto Niya ang pusong mapagpakumbaba kaysa sa kung anumang hayop, gulay, o kayamanang handog. Ang bunga ng totong sorry? Kapatawaran sa mga kasalanan, at kagalingan, pisikal, emotional, mental at higit sa lahat spiritual. Unti-unti ay magkakaroon na nang buhay ang patay na relasyon mo sa Panginoon at mai-enjoy mo ang buhay na kasama Siya nang may kaligayahan at katagumpayan.

Laging tandaan, “Ang totoong sorry ay galing sa heart at may kasamang love.” – Nanay ni Ichi

Source: https://diariesofayoungmom.wordpress.com/2014/12/07/ang-totoong-sorry-galing-sa-heart-at-may-kasamang-love/

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *