Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on Apr 10, 2014 in Contributing Writers | 0 comments

A THOUGHT EXPOUNDED

Mula kay EMS SICANGCO

waitingHindi dahil ginagawa ng karamihan, ginagawa na ng lahat. Mayroon at mayroong isang tao na maglalakad patungo sa timog kahit ang karamihan ay patungo sa hilaga; may liliko at liliko pa-kaliwa kahit ang halos lahat ay paliko sa kanan. Gusto kong isipin na ako yung isang taong yun; pero gusto ko ring isiping hindi ako nag-iisa, na marami pa kami, na kahit papaano, may mga iilan pang kayang panindigan ang kung ano ang dapat, kung ano ang tama, at kung ano ang naaayon sa kalooban ng Diyos.

Lugmok na ang mundo. Ang dating bawal pwede na ngayon. Ang dating mali, tama na ngayon. Ang dating masakit sa mata, katanggap-tanggap na ngayon. Dati, ang hawak ng 12 taong gulang na bata ay pato ng sipa o piko; ngayon ang hawak na ay sigarilyo. Noon, binibihisan pa ng kanyang ina ang isang 16 taong gulang na dalagita; ngayon ang 16 taong gulang na dalagitang iyon ay may binibihisan nang sanggol na nanggaling sa sinapupunan niya.

Nawala na ang sanctity of marriage; wala na ang courtship. I-date mo kung sino ang nariyan; lumabas ka hangga’t gusto mo. Habang bata ka, subukan mo ang lahat ng bagay dahil hindi mo na maaaring gawin yan kapag nagka-edad ka na. Lahat pwede namang gawin, nasa sayo lang kung pipigilan o papayagan mo ang sarili mo. Malaya nang gawin ng tao ang lahat; wala nang limitasyon. Ang dalawang taong nagmamahalan, hindi mo mapipigilan. Kung hanggang saan sila makarating, justified dahil sa pag-ibig. Kaya naman ang kasal ngayon ay isa na lamang routinary ceremony na nawalan na ng tunay na kahulugan ang bawat bahagi. Ano ang ibig sabihin ng belo? Ng singsing? Ng wedding vows? Maging ang pagsusuot ng puti ng babaeng ikakasal ay nagmistulan na lamang na isang tradisyon.

Sa Bibliya, ang dalagang nakitaan ng karumihan ay binabato. Ngayon, ang dalagang piniling maghintay ay tinatatakang hindi normal. Noon, ang bawat lalaki ay kailangan munang pakasalan ang isang babae bago ito makasiping. Ngayon, ang lalaking wala pang nakasiping bago mag-asawa ay sinasabing may kakulangan. Noon, pinapanalangin ang magiging kabiyak; ngayon, kung sino na lang ang dumating, siya na, lalo na kung ikaw ay nasa edad na.

Nakakalungkot, nakakapikon, nakakagalit na dahil sa kultura at pagbabago ng panahon, wala na halos naniniwala na may mga tao pang natitira na kayang maghintay. Nakakalungkot din kasi ang naging kinahinatnan ng mundong ito, na kahit sa mga Kristiyano, mayroong nahuhulog, may mga kumakagat sa tukso. Ang kultura ay hindi basehan ng dapat gawin ng isang tao, dahil nagbabago ang kultura, pero ang Salita ng Diyos ay nananatili. Ang mali noon ay mali pa rin ngayon, sapagkat ang kalooban ng Diyos ay hindi nagbabago.

Nakakalungkot na kailangan kang kwestyunin tuwing sasabihin mong wala ka pang naka-relasyon o naniniwala ka sa celibacy. Nakakapikon na ayaw kang paniwalaan sa mga paninindigan mo. Nakakagalit na tinatawanan ka lang sa iyong paghihintay. But as for me, I’ll stand by my principles. If the Lord wills that I marry someday, my first kiss will be at the altar. If He wills that I remain single, I will have to deprive myself of that kiss. The point is I will wait. I choose to wait because I know that waiting is not in vain when it is Him you’re waiting on.

Para sa iba pang naghihintay, kasama ninyo ako sa panalangin.

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *