Pages Menu
TwitterRssFacebook
Categories Menu

Posted by on Sep 22, 2013 in Contributing Writers | 2 comments

6:14 Violator


“Lord, ayaw mo ba kong maging masaya?
Kala ko ba, mahal Mo ko?
Ang hirap namang maging Kristyano.”

Laman yan ng diary ko,  tatlong taon na ang nakakaraan. Infatuated ako. Ang tindi ng tama ko. To the point na iniisip kong baka nga sa pakikipagrelasyon naman talaga dapat umikot ang buhay ng tao at hindi sa Diyos. Yun kasi ang nakikita ko sa mga napapanood. Laki ako sa church at alam ko ang Direksyon ko. Pero lumayo lang ako ng konti ay tila na-corrupt na ang pagiisip ko sa kung anu anong nasasagap ko sa mundo.

May ka-M.U. ako no’n. Dahil sikat sikatan din sa school ay alam ng marami ang nangyayari – batchmates, profs at Department chair. “Magkakalovelife ka na sa Valentines!”, bati ng mga kaibigan. Pero ang Pebrero ko ay binomba ng mga reminders ng 6:14 Rule. “M.U. lang naman ah! anong vinaviolate ko don?”, pagtatanggol ko sa sarili. Gusto ko siyang bigyan ng chance. Minsan lang ito eh. Mabuti naman din siyang tao. Malinis ang record niya at hindi pa din naman siya nagkakaroon ng girlfriend.  Sinabi ko sa kaniya ang dapat naming situation. Ok naman daw magconvert. Wag lang daw magmadali. Hindi pa man daw kami.

Noong taong iyon ay nagconcert ang Passion dito sa Manila. Sinama ko siya. Nagbabakasakaling makakilala sa Panginoon. Much awaited ang event na ito para sa akin. Lalu na ang message. Ang saya naming magkakaibigan.. hanggang sa sinabi niyang, “Ok naman.  Pero sana, nanood na lang tayo ng PBA”. Na-Irita Avila ang peg ko! Sobra! Hindi ko alam na yun na pala ang umpisa ng paggising ko.

Isang araw, naisip ko, kung makakatuluyan ko siya, maiintindihan ba niya ang buhay ko? Paano kapag nagtithes ako? Hindi kaya pag-awayan lang namin ito? Pano kung tawagin akong mag-mission? Pano na yung mga kabataang gusto kong tulungan? Higit sa lahat, naalala ko si Lord. Naiyak ako nang naisip ko na hindi naman niya maiintindihan kung bakit may mga panahong nawawala lang talaga ako sa sarili dahil sa pagmamahal ng Panginoon. O kung bakit palagay ako kahit magulo ang mundo. Hindi niya maiintindihan ang buhay ko. Magkaiba kami ng direksyon. Hindi niya maiintindihan kung saan humuhugot ng harmony ang pamilya ko. Mahalaga sa akin itong lahat dahil dito umiikot ang buhay ko.

Unti unti kong namiss si Lord. Para akong zombie. Akala ko may buhay pag wala Siya. Akala ko, kaya ko. Akala ko, masaya. Miserable pala. Ang lungkot. Nakakamatay sa lungkot.

May mga araw na gusto ko siyang makita. Pero mas marami yung mga araw na ayoko na. Gulo ‘tong pinasok ko. Pinapaayos ko sa Diyos itong gusot ma ginawa ko. Hindi ko kasi kayang masaktan siya. Hindi ko alam kung paanong paraan.

Isang buwan ang ang nakakalipas at hindi na kami nagkikita. Teleopono na lang ang komyunikasyon. Sinabi niyang kinausap siya ng Department Chair namin. “Hindi talaga kayo pwedeng maging kayo. Kristyano siya. Leader pa….”

Nakapikit ako habang pinakikinggan ang boses niya. Huli na ba ‘to?. Natapos siya sa isang pangako, “Isang araw, may dadating sa buhay mo. Kristyano at magmamahal sayo.  Higit pa sa akin…”

(Tunog ng Dial Tone)

Nalungkot ako para sa amin. Pero mas naririnig ko ang tunog ng kalayaan. May mga gabi na nalulungkot ako pero tumatakbo ako kay Lord para hindi ko na marinig ang mga kasinungalingang pwedeng itambad ng kaaway, “sayang! pinalampas mo pa”.. Alam ko, tama na ulit yung direksyon ko at hindi ko na muling uulitin pa.

Higit isang taon ang nakalipas, mayroon akong natanggap na mensahe ni Lord, mula kay Hosea. (chapter 2)

“I will punish her for the days … she went after her lovers,
but me she forgot,” declares the Lord. ..” Therefore I am now going to allure her;I will lead her into the wilderness and speak tenderly to her. ..
I will betroth her in righteousness and justice, in love and compassion”

Nasa office ako nito at naggrand exit dahil hindi ko mapigilang umiyak. Pagkatapos ng mga panahong kinalimutan ko si Lord at pinagdudahan ang Kaniyang pagmamahal ay muli niya akong tinatanggap. Sa kabila ng pagiging emotionally impure ko ay nilinis niya ako, pinatawad at minahal.

Nang araw na iyon, nagflash back din sa akin ang mensahe noong Passion Concert.. Na ang mga munting ilaw natin ay icontribute natin sa masmalaking ilaw o glory ni Lord. Mula din sa araw na iyon,  binigay sa Panginoon ang lovelife ko,”Karangalan ko po na gamitin Niyo ang lovelife ko kung saan Niyo gusto”.

Click to Share: Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

2 Comments

  1. Wow! grabe habang binabasa ko to! tuloy tuloy sa pagturo yung luha ko! :((((( nasa battle na naman kasi ako. Sobrang naka-relate ako sa story. Grabe! iba talaga kapag binigay mo na kay LORD yung puso mo nasasaktan ako! kapag nasasaktan ko sya.

  2. Ayos lang yan. Masaya ako at nangengealam si Chair sa lovelife ng mga estudyante. 😀

Post a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top